Daily Archives: November 13, 2009

Arkibong bayan’s materials on Luisita massacre

hli arkibo

Included in the webpage are photos of the Luisita martyrs, video clips from the footage of the massacre and zip files of the video documentary “Aklasan.”

Leave a comment

Filed under Visuals

Tula: Sinong Paniniwalaan?

Sinong Paniniwalaan?
(Kay Ka Ric Ramos ng CATLU)

NI RAUL FUNILAS
Posted by Bulatlat

Kasarapan nang tagayan
Sa bakurang pahingahan,
Labimpitong kasamahan
Ni Ka Ric, nagkakantahan.

At ang kanilang usapa’y
Ang bakpey sa sobrang araw
Nilang pinagtrabahuhan.
Nang biglang umalingawngaw!

Continue reading

Leave a comment

Filed under Poetry

Mga bagong hamon sa Luisita

magsasaka sa Luisita

Photo by Kenneth Guda, Pinoy Weekly

(Isang balita-lathalain mula sa website ng Kilusang Mayo Uno)

Gaano man pagtakpan ni Noynoy Aquino, imbes na tugunan ang mga hinaing ng mga magbubukid, mas umaarangkada ngayon ang mga iskema para ganap na silang palayasin sa Hacienda Luisita. Engrande kasi ang plano ng mga sakim na nasa kapangyarihan para sa hacienda, kung saan higit nila itong mapagkakakitaan habang tiyak namang masasalanta ang kabuhayan at buhay ng mahigit 5,000 magbubukid dito.

Ultimatum

Tahasang pinatawan ng ultimatum ang mga magbubukid sa isang memorandum na nilagdaan ni Hernan Gregorio Jr., assistant estate manager ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) noong Disyembre 18 ng nakaraang taon. Sinasabi ditong “Magsisilbing Pormal na Paabot ang memorandum na ito para sa inyo na huwag nang ipagpatuloy, at itigil ang paggamit, paglilinang, pagtatanim o pag-aari sa nasabing mga bahagi ng lupa sa Oktubre 30, 2009 o bago nito.”

Tila nakakuha ng “go signal,” inilabas ang memorandum isang araw matapos aprubahan ng Senado at Kamara ang Joint Resolution No. 1 para sa pagpapalawig ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nagrali ang mga magbubukid sa tanggapang pamprobinsya ng DAR noong Oktubre 30 para igiit ang lubos nilang pagtutol. Napaatras naman nang kaunti ang mga Cojuangco, ngunit iniurong lamang sa Nobyembre 15 ang ultimatum.

Ngayon, dahil sa sunud-sunod na kritisismo at sama-samang pagkilos ng mga mamamayan ng Hacienda, itinanggi ni Noynoy at ng pamunuan ng HLI ang inilabas na ultimatum. Sa halip, nagmamalaki pa ngayon ang HLI ng hungkag na iskemang pagpapalayas pa rin naman sa mga magsasaka ang tunguhin.
Continue reading

1 Comment

Filed under Updates on Luisita